top of page

HUESPAPER BY THE NEW HUE

Manila, Philippines

Writer's pictureJay Contreras

Jay Contreras

Updated: Aug 17, 2023



Ang bilis ng panahon, nagulat na lang ako mag 45 na ako, pero ok lang kase sobrang daming nangyari sa buhay ko, madaming pangit, madaming maganda, madaming di kapanipaniwala, madaming nakakatakot, madaming nakakatawa, madaming taong nakasama, madaming taong nakatrip, madami rin taong kinalimutan, madaming napasaya at meron din naman napaluha at nasaktan.



Ang alam ng karamihan, makulit, weirdo, sira ulo at lagi akong masaya, siguro kase ganun ako nung bata bata pa ko, at siguro kase yun din ang gusto kong makita ng mga tao sa paligid ko. Pero habang tumatanda ka madaming nangyayari at nagbabago sa buhay ng tao, May mga dumating din sa buhay ko na nagtulak sakin para lumayo sa lahat, mas pinili ko sarilihin lahat kase ayaw ko din magkalat ng lungkot sa iba, madami akong natutunan sa lahat ng mga bagay na nadaanan ko, pero isa din sa natutunan ko, na di mo rin kelangan sarilihin lahat, mas mahalaga ang mga totoong tao sa paligid mo kesa sa magagarang materyal na bagay na nasa harap mo. Masarap magmahal, pero napaka makapangyarihan ng pag ibig, pag binigay mo ang pagmamahal sa isang tao, binigyan mo din sya ng napakalaking kapangyarihan para saktan ka, pero yun ang sugal, yun ang buhay, yung ang pag ibig, di mo tunay na malalaman kung gaano kasarap ang pag ibig kung di mo pa naranasan ang tunay na masaktan.



Sa ngayon masaya ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, sobrang saya ko kase kahit 45 na ako, at 23 years na yung banda namen nakakatugtug pa rin kame at nakakapagpasaya pa rin kahit papano ng mga taong nanunuod sa mga gigs namen, sa bawat tugtug namen binibigay ko lahat, kase gusto ko maramdaman ng tao yung naramdam ko nung una akong nakapanuod ng gusto kong banda, ang Kamikazee gusto namen hindi lang siya banda, gusto namen maging experience sya, gusto namen pag nanuod sila ng gig namen hanggang pag uwe nila, hanggang pag tulog at hanggang pag gising nila naalala at napapangiti pa rin sila.


 
"Masarap magmahal, pero napaka makapangyarihan ng pag ibig, pag binigay mo ang pagmamahal sa isang tao, binigyan mo din sya ng napakalaking kapangyarihan para saktan ka, pero yun ang sugal, yun ang buhay, yung ang pag ibig."
 


Hindi ko alam paano ako umabot dito, sa pamilya namen lahat sila magaling kumanta ang Daddy, Mommy at Kuya ko, ako yung pinaka supot samin pero ang labo kase ito ang naging career ko. Madaming umaga na nagigising ako na bagsak na bagsak ako, madaming umaga na gusto ko lang murahin ang lahat, madaming umaga na gusto ko lang magreklamo sa mundo, tapos naiisip ko buti rin pala nagising pa rin ako, ang weirdo talaga ng universe pero ang galing pa rin kung paano bumabagsak lahat sa tamang pwesto nya.



3 Comments



Sophia Flynn
Nov 04, 2023

Looking good

Like

text text
Oct 09, 2023

Like
bottom of page