top of page

HUESPAPER BY THE NEW HUE

Manila, Philippines

Writer's pictureKean Cipriano

Kean Cipriano

Updated: Aug 17, 2023



“What is your advice for aspiring musicians?” I have been asked this question a million times in my 17-year career. Kadalasan kasi pag tinatanong yan, mabilisan lang yung sagot. Kaya napaisip din ako kung ano ba talagang advice ko sakanila.


Kung nagsisimula ka pa lang sa larangan ng musika, please lang, enjoyin mo yan. Napaka sarap magsimula. Hindi mo alam kung anong mangyayare pero excited ka sa mga possible opportunites at mga pinto na pwede magbukas. Hindi ka pa bihasa at pwede kang magkamali. Ang sarap magkamali. Don’t get me wrong, pero para sakin kasi yun ang pinaka magaling na mentor, yung mga sarili mong pagkakamali.



Sa dami ng mga katangahan na nagawa ko sa buhay, kung babalikan ko ngayon, sa totoo lang nakakatawa nalang sya. Nakakatawa makita ang dating sarili ko na bagsak na bagsak at hindi alam ang gagawin. Mukha talaga akong tanga. Wala akong gustong i edit sa nakaraan pero kung may ittweak ako ng bahagya, eh hindi ko sana hinayaan mag linger yung lungkot sa buong pagkatao ko kasi malalampas ko din pala sya. Atleast ngayon mas malinaw na sakin na pag may nangyare na pakiramdam ko ay hindi naaayon, kaya ko sabihin sa sarili ko na “Shit! Oh well, bawi ako”


Kung hindi nangyare yung mga sablay moments, hindi ako mapupunta sa kung nasaan ako ngayon. For sure iba ang mindset ko at iba din ang magiging perspective ko sa buhay.


Yun din ang rason sa dami ng mga kantang nasulat ko at kung bakit mas tumaas ang pangarap ko at gusto marating. Malaki ang naitulong sakin non para mas respetuhin ko sarili ko bilang musikero at higit sa lahat, bilang tao.


Masyadong mabilis ang oras natin sa mundo na to kaya minsan nakaka frustrate pag hindi pa nagwowork ang mga bagay bagay sa buhay natin. Minsan nakakabagot, minsan parang walang usad, pero kung iisipin mong mabuti, hindi ba talaga umaayon? o sadyang hindi pa talaga napapanahon? Kasi kung gusto mo na may mangyare, hindi ka naman papayag na ma-sayang lahat ng pinaghihirapan mo di ba? At para makuha mo ang gusto mo, wag kang tumigil. Yung lang yon. Hindi mo kasi talaga masasabi. Malay mo nag quit ka ngayon tapos bukas pala yung break na hinihintay mo. Patience lang tol. Tandaan mo : Only those who quit fail.

 
"Kung hindi nangyare yung mga sablay moments, hindi ako mapupunta sa kung nasaan ako ngayon. For sure iba ang mindset ko at iba din ang magiging perspective ko sa buhay.
 

Maraming mga tao na susubok ng pasensya mo. Kailangan mo maging matibay. Kung magpapadala ka sa mga iniisip o sinasabi ng ibang tao tungkol sayo, talo ka talaga. Wag mo personalin. Kasama talaga yan sa package. Hindi mo naman pwede i expect na lahat ng tao gusto ka. Balanse palagi yan. Kung maraming may gusto, marami din may ayaw. Yun ang katotohanan.



Ako kasi, hindi naman ako gumagawa ng music para sa mga bashers eh. gumagawa ako ng music para sa kaluluwa ko at sa mga taong gustong makinig. Naku, kung alam mo lang kung anong pinagdaanan ko na pangungutya lalo na nung naguumpisa ako.

Pakiramdam ko noon hindi ako sineseryoso ng industriya na pinasok ko. Pero dahil don, mas sineryoso ko yung craft. So kahit anong sabihin ng iba, wala nakong pakialam. Hindi ko na problema yon. Kasi malinaw sakin na mahal ko Yung ginagawa ko.


At higit sa lahat, gumawa ka ng musika na totoo sa kung sino ka. Yung musika na gusto mo at kaya mong panindigan. Yung talagang magpapa saya sayo.


Again, okay lang magkamali. Enjoy the ride.



Comments


bottom of page